Uhm...sasali ako ng song writing contest,
sana manalo ang entry kong pinamagatang
"Bagong Umaga"
Pinaghalo-halo man ang ating kultura...
iisa parin tayo....
PILIPINO!!!
1 minute and 30 seconds lang 'to.. yun kasi ang nasa rules..ehe.. wish me LUCK!!!
Bagong Umaga Written and Composed by: Noel Trident Remollo
Nandyan na ang Bagong Umaga Maghahatid sa atin ng panibagong pag-asa Tayo’y may iba’t-ibang kultura Ating ninuno sa’tin ay pinamana At kung tayo man ay may pinag-iba-iba Tayo’y may Iisang dugo Iisang pangako Iisang pulo Lahat tayo ay Pilipino
Tara na’t Salubungin ang panibagong Umaga Ng may ngiti sa’yong mukha Namnamin ang panibagong pag-asa Sa pagkadapa’y bumangon ka
Nasa iyong kamay ang kapalaran mo Tanging ikaw lamang ang huhulma nito Bumangon ka
Trident Fervour · Tue Apr 15, 2008 @ 01:59pm · 0 Comments |